THIRD PARTY
June 23, 2009
Lahat ng bagay ay hihinto para sa taong may minamahal.. hahahaha.. kaya ba marami nasisiraan ng ulo sa nakakalunod na kumunoy ng pag-ibig at pakiramdam ko isa ako sa mga nalulunod dito. Hahahaha… kungsabagay kung may importante sayo kaya mo huminto at magbigay ng buong oras o kaya ibigay ang mundo mo. Katulad ng mga nababasa mo sa mga fairy tale na napaka-perfect ng katapusan at maraming ungas na naniniwala sa destiny o sadyang mga kakornihan ng pagkabitter dahil sa kawalan ng kakayanan ng isip nila magdesisyon upang pumili ng pinaka-maganada para sa kanilang nararamdaman at umaasa nalang sa panahon.
Sa sobrang daming paniniwala at epekto ng libro sa kanilang pagkabata kaya naniwala na sila sa perfect love na hindi kaya ibigay ng tao at tangi nasa isip o panaginip lang nila nabuhay. Kaya siguro nauso ang third party dahil sa gawa ng tao na hindi makuntento kung anong meron at naghahanap ng drama sa buhay katulad ng mga napapanood sa mga teleserye.
Alam mo naman na kasalanan pero ginagawa pa din dahil sabi nga halos lahat ng bagay na masaya ay bawal. Parang droga, alapaap kung matikman pero pagbagsak at pagkawala ng amats ay masakit. Tama parang droga na sumisira sa iyong sarili na masasabi mong droga ang isang third party dahil alam mo na hindi mo kailangan at kuntento ka na kung anong meron ka pero naghahanap ka pa na isisiksik na kasalanan. Sa una masasabi mo masaya at espesyal dahil kahit san ka lumugar o bumagsak may papaglagyan ka sa kanila. Espesyal sa oras na binibigay mo at ang nakaka-aliw na pakiramdam sa pagtago dito dahil alam mo na bawal. Sa pag-gawa ng memorya na sa una akala mo puro maganda. Isang bagay na pagsubok at sa huli ikaw na din ang kakainin dahil sa pagkalito ng iyong isip dahil ang makikita mo lang ang magandang epekto kahit alam mo na mali ang simula.
Sa sobrang daming bagay mo mararanasan.. katulad ng pag-gamit ng droga, masasabi mo na masarap at nakaka-high dahil sa challenge na kapag nahuli ka patay kang bata ka. Pero sa huli ma-iisip mo na mas masaya pa rin yung una kasi kahit anong ganda ng ikalawa ay walang halaga kung titingnan mo sa una kasi lahat ng bagay na nakita mo at naramdaman mo ay natutunan mo sa una.
At ang pinaka maling magagawa mo ay magcompare sa kanila kasi sa una pa lang na magkagusto ka sa tao tanggap mo ang panget at maganda. Sa mga panget na nakita mo dun kayo tumibay na hindi kaya higitan. At kung mararamdaman mo uli yung ganung bagay ibigsabihin tinatapon mo kung anong meron ka dati na baon mo sa ngaun. Ang saya na naramdaman mo ay masasabi na original kasi lahat yan ay ikaw at siya at ang mga panggulo ay tamang karanasan na natutunan mo na wala pa din makakatalo sa original at katangahan kung ipagpapalit mo ang iyong kahapon sa bago. Hindi mo naman kailangan maghanap ng iba kung ang lahat ng bagay na wala ka ay nasa kanya dahil sa mga kakulangan mo tinuturaan ka magbago hindi nga lang perpekto pero masasabi mong perpekto sa salitang realidad na ang tao ay maraming kakulangan at mabubuo lamang ng isang tao para maging isang ikaw at siya at wala ng panggulo.
