KAKORNIHAN KO

June 22, 2009

QUEEN

Taba, tababoy, lumba-lumba o kaya babaeng naging tao gawa ng taba.. hahhaha Ganyan ko lambingin ang girl friend kong mataba, kahit alam kong chuby o chabingi pa lang ang kanyang katawan noong una kami nagkita at halos mangiyak siya sa galit kasi wala kami ginawa kundi kumain at ang kanyang mga paboritong outfit o damit ay di na niya masout kasi tumataba na siyao kaya kahit patayin ako sa galit laking tuwa ko na man kasi una: wala ako kaagaw kasi mataba girlfriend ko at hindi siya stuff toy na kailangan i-display, pangalawa: kahit galit na galit na siya nakakatawa kasi kahit anong hampas at suntok niya mga taba lang ng daliri nia ang mararamdaman mo at pangatlo: masarap siya galitin kasi masarap lambingin at kung yayakapin mo siya ng mahigpit na mahigpit na may halong gigil mga taba sa kanyang katawan ang iyong mararamdaman.

Kahit sabihin niyang maganda siya at gusto nia gumanda, alam ko naman na maganda siya bago pa lang kami nagkita kaya ginagawa ko siyang panget hehhehe.. mahirap na mawalan ng taba sa buhay.

Hhmmmm…. Taba sa buhay.. hahha oo literal na taba sa buhay kung titingnan pero hindi alam ng mga taong nakapaligid kung ano ba talaga ang taba sa buhayko. Simple lang para lang na man siyang laman ng mga buto kong sobrang payat. Kung saan “you ca not live without her” naks parang patalastas lang o punchline pero totoo yun kasi kahit anong gawin kahit balibaliin o kaya balatan ako ng buhay makikita mo yung taba sa katawan ko, literal pero sa isang banda masasabi mo na siya ang nagpapaganda at kasama sa pagiging ako.

Sa kanyang mga taba para siyang shock absorber hahahhaa.. literal ba kahit mabungo ko basta katabi siya safe ka kahit walang biogesic.. hehhehe, kung lalaitin siya nga mga tao sobra pero hindi nila alam kung anong mneron sa tababoy ko.. daig pa nia ang mga stress ball na makikita mo sa mga mamahaling mall kahit ano pang stuff toy hindi mo mahahalintulad ang tababoy ko kasi kahit anong sabog at init ng ulo ko o kaya kahit anong problemado akong kausap na daig ko pa ang mga irate caller sa call center nandun sia at makikita mo sa kanya na ang kanyang maamong mukha na nagsasabi na “james, yan lang ba problema.. may paraan pa at lahat yan blessing in disguise lang” pagkatapos nun para siyang bata na naglalambing sa init ng ulo mo at kahit anong sabog ng isip mo sasabihin pa din nia na “iloveyoujames, we can do it” ang sweet ng tababoy ko noh at makikita mo ang kanyang mga matatabang maliliit na daliri na parang hanky.Nagsisimula na siyang magsulat kung anong dapat gawin at iisipin niya kung ano ang pinaka magandang desisyon sa pagitan ng kanyang mga payo.

Basta Mataba malaman.. hahahahaha.. hindi lang puro taba na literal nga at magugulat ka kung paano siya magisip parang pinagisipan niya ng 10 beses at subok na ang kanyang mga plano kapag siya ay nagisip.. masakit nga isipin na mas ma-ayos siya magplano kaysa sa akin pero syempre ma-pride ako at gusto ko ang masusunod hahhahaha at sa huli siya din ang masusunod kasi mas maganda ang plano niya…

sobrang dami kong kakornihan at kung magkataon na makakita ako ng maganda at tatapon ko na etong taba ko, siguradong masiraan ako ng bait, nasubok ko na yun.. literal akong nasiraan at sa sobrang daming bagay pero konti lamang ang kaya ko i-express sa taba ko wala pa din makakapalit sa girl friend kong mataba.. hehehe mahal ko ang taba sa buto ko kahit payatot ako..

confession

April 6, 2009

Hindi na man masamng mangrap at mag-isip ng mga bagay-bagay kaso ang masama lang kapag sumusobra. Hindi naman ako ganun ka-perpekto at naging tanga din kahit ilang beses ko ng sinasabi na mas masarap matututo sa karanasan ng ibang tao pero eto nakakagawa pa din ng mga kasalanan. Akala mo lahat ng bagay na natapos mo na ay tapos na bakit my mga bagay na kailangan ulit-ultin na parang nananadya kahit alam mong tinapos mo na, parang sa isang relation na tinapos mo at sa una akala mo tanggap na ng bawat isa’t-isa pero para ka lang pala kinukuhaan ng simpatya para makuha ang loob mo pero siguro sa bagay na ito ditto ako natuto. Hindi ko alam kung papaano sisimulan pero mas maganda na sigurong sabihin na blessing in disguise sa buhay.
Masarap ang buhay, lalo na kung may third party, alam mong mali pero iba pa din ung bagay na nabibigay sa sarili mo at sa huli ma-re-realize mo na mali ang ginawa mo at maiisip mo na bakit ko siya ginaganito samantalang kahit kaylan wala naman siyang ginagawang masama sa akin.. Ang taong nagbago  sau simula sa basura hangang maging mukha kang tao.  Oo alam ko nasaktan ko siya ng sobra dahil yung pinaka-kaaway pa niya ang nagging ka-third party niya. Alam ni thirdparty na kabit siya at hindi alam ng super-duper girlfriend mo.  Sinasabi niya na palagi siya biktima para makuha ang loob mo samantalang ang hindi mo alam na ang super-duper girl friend mo ay para mo ng iniiwan sa ere at hindi niya alam na wala na siyang sasandalan. Alam mong best siya pero bakit ko kaya nagawa yun may mali ba siya, sa tingin ko sarili ko lang talaga. Dumating yung point na nalaman na ng super-duper girl friend ko yung eksena sa amin ni third party. Wala siyang ginawa kundi umiyak at nagtanong kung anong nangyari sa akin, kung may nagawa ba siya para ganunin ko siya. Sa totoo wala ako masagot at dinaan ko sa init ng ulo pero sa totoo lang nasasaktan ako sa ginawa ko sa kanya kasi sa pagkakaron ng third party my point dun na ma-re-realize mo kung gaano kaganda at anong meron sa super-duper girlfriend mo na hindi mo makikita sa ibang babae.
Kinausap niya ako ng masinsinan tungkol dun at sinabi niya na siya ang magpaparaya [si super duper girl friend ito..] Naiyak ako at tinanong ko kung anong kailangan kung gawin para bumalik lang siya, ang sinabi niya sa akin, aminin ko lang.. Un inamin ko akala ko ganun lang kadali at maa-ayos na naming kagad, dun pala ako mali kasi siyempre ang taong nasaktan kailangan niya ng oras para gumaling ang kanyang sugat. Nagkaron kami ng gaps at barrier at madalas nia ito sabihin at isipin, yung ginawa ko sa past.. pero sa point na  yun dapat hindi ako magalit kasi ako ang nakasakit pero taliwas eto kasi ako pa din ang galit dahil alam mo ba yung pakiramdam na guilty ka dahil nasaktan mo siya.
Inayos ang problema at tinapos ang third party. Ang nakakaloko dun bakit parang sobrang bait ng third party samantalang alam naman namin na parehas lang kami ng-gagago…

Ngaun naiintindihan ko na kung bakit ganun siya kabait kasi humihingi lang siya ng simpatya para siya ang piliin pero alam kong hinding-hindi ako nagkamali ng desisyon kasi habang tumatagal ang araw unti-unti na lumalabas ang kanyang mabahong kulay, siguro sabihin na natin na may past nga kami ni thrid party kaya nagkaron ako ng kasalnan sa super-duper girlfriend ko pero sa totoo lang kung nalaman ko lang kagad na peke siya malamang mas pinili ko pa ang tae kaysa sa kanya.

Ang dami-dami niyang sinasabi… sinasabi nia na bitch ang super-duper girl friend ko samantalang yung super-duper girlfriend ko na nga ang muntikang mawalan at kung makalait si third party sa super-duper girl friend ko grabe.. Oo hindi perpekto ang super duper-girl friend ko pero sa akin best at unique ang super-duper girl friend ko. Sa ex third party ko kung galit ka sa akin mo isi-si at wag sa super-duper girl friend ko dahil kahit kaylan hindi siya gumawa ng mali sayo. At kung iniisip mong destiny lahat ng bagay dun ka talaga naging ungas kasi choice naming na maging kami at hindi ang destiny na paniniwala mo. At sana ngaung may boyfriend kana sana igalang mo na man at huwag ka na mang damay ng ibang tao… Panindigan mo yung sinasabi mong Masaya kana sa buhay mo ngayon, dahil kung Masaya ka talaga at hindi ka na naapektohan sa mga nangyari dati, hindi ka na sana nagsasalita ng kung ano-ano.. Ang buhay ay puno ng desisyon at bawat desisyon ay mayroong kaparusahan at gantimpala, kaya mas mabuti ng mamili sa pagitan ng pinaka mabuti at mas mabuti kesa sa pagitan ng mabuti at masama lamang…