THIRD PARTY

June 23, 2009

Lahat ng bagay ay hihinto para sa taong may minamahal.. hahahaha.. kaya ba marami nasisiraan ng ulo sa nakakalunod na kumunoy ng pag-ibig at pakiramdam ko isa ako sa mga nalulunod dito. Hahahaha… kungsabagay kung may importante sayo kaya mo huminto at magbigay ng buong oras o kaya ibigay ang mundo mo. Katulad ng mga nababasa mo sa mga fairy tale na napaka-perfect ng katapusan at maraming ungas na naniniwala sa destiny o sadyang mga kakornihan ng pagkabitter dahil sa kawalan ng kakayanan ng isip nila magdesisyon upang pumili ng pinaka-maganada para sa kanilang nararamdaman at umaasa nalang sa panahon.

Sa sobrang daming paniniwala at epekto ng libro sa kanilang pagkabata kaya naniwala na sila sa perfect love na hindi kaya ibigay ng tao at tangi nasa isip o panaginip lang nila nabuhay. Kaya siguro nauso ang third party dahil sa gawa ng tao na hindi makuntento kung anong meron at naghahanap ng drama sa buhay katulad ng mga napapanood sa mga teleserye.

Alam mo naman na kasalanan pero ginagawa pa din dahil sabi nga halos lahat ng bagay na masaya ay bawal. Parang droga, alapaap kung matikman pero pagbagsak at pagkawala ng amats ay masakit. Tama parang droga na sumisira sa iyong sarili na masasabi mong droga ang isang third party dahil alam mo na hindi mo kailangan at kuntento ka na kung anong meron ka pero naghahanap ka pa na isisiksik na kasalanan. Sa una masasabi mo masaya at espesyal dahil kahit san ka lumugar o bumagsak may papaglagyan ka sa kanila. Espesyal sa oras na binibigay mo at ang nakaka-aliw na pakiramdam sa pagtago dito dahil alam mo na bawal. Sa pag-gawa ng memorya na sa una akala mo puro maganda. Isang bagay na pagsubok at sa huli ikaw na din ang kakainin dahil sa pagkalito ng iyong isip dahil ang makikita mo lang ang magandang epekto kahit alam mo na mali ang simula.

Sa sobrang daming bagay mo mararanasan.. katulad ng pag-gamit ng droga, masasabi mo na masarap at nakaka-high dahil sa challenge na kapag nahuli ka patay kang bata ka. Pero sa huli ma-iisip mo na mas masaya pa rin yung una kasi kahit anong ganda ng ikalawa ay walang halaga kung titingnan mo sa una kasi lahat ng bagay na nakita mo at naramdaman mo ay natutunan mo sa una.

At ang pinaka maling magagawa mo ay magcompare sa kanila kasi sa una pa lang na magkagusto ka sa tao tanggap mo ang panget at maganda. Sa mga panget na nakita mo dun kayo tumibay na hindi kaya higitan. At kung mararamdaman mo uli yung ganung bagay ibigsabihin tinatapon mo kung anong meron ka dati na baon mo sa ngaun. Ang saya na naramdaman mo ay masasabi na original kasi lahat yan ay ikaw at siya at ang mga panggulo ay tamang karanasan na natutunan mo na wala pa din makakatalo sa original at katangahan kung ipagpapalit mo ang iyong kahapon sa bago. Hindi mo naman kailangan maghanap ng iba kung ang lahat ng bagay na wala ka ay nasa kanya dahil sa mga kakulangan mo tinuturaan ka magbago hindi nga lang perpekto pero masasabi mong perpekto sa salitang realidad na ang tao ay maraming kakulangan at mabubuo lamang ng isang tao para maging isang ikaw at siya at wala ng panggulo.

KAKORNIHAN KO

June 22, 2009

QUEEN

Taba, tababoy, lumba-lumba o kaya babaeng naging tao gawa ng taba.. hahhaha Ganyan ko lambingin ang girl friend kong mataba, kahit alam kong chuby o chabingi pa lang ang kanyang katawan noong una kami nagkita at halos mangiyak siya sa galit kasi wala kami ginawa kundi kumain at ang kanyang mga paboritong outfit o damit ay di na niya masout kasi tumataba na siyao kaya kahit patayin ako sa galit laking tuwa ko na man kasi una: wala ako kaagaw kasi mataba girlfriend ko at hindi siya stuff toy na kailangan i-display, pangalawa: kahit galit na galit na siya nakakatawa kasi kahit anong hampas at suntok niya mga taba lang ng daliri nia ang mararamdaman mo at pangatlo: masarap siya galitin kasi masarap lambingin at kung yayakapin mo siya ng mahigpit na mahigpit na may halong gigil mga taba sa kanyang katawan ang iyong mararamdaman.

Kahit sabihin niyang maganda siya at gusto nia gumanda, alam ko naman na maganda siya bago pa lang kami nagkita kaya ginagawa ko siyang panget hehhehe.. mahirap na mawalan ng taba sa buhay.

Hhmmmm…. Taba sa buhay.. hahha oo literal na taba sa buhay kung titingnan pero hindi alam ng mga taong nakapaligid kung ano ba talaga ang taba sa buhayko. Simple lang para lang na man siyang laman ng mga buto kong sobrang payat. Kung saan “you ca not live without her” naks parang patalastas lang o punchline pero totoo yun kasi kahit anong gawin kahit balibaliin o kaya balatan ako ng buhay makikita mo yung taba sa katawan ko, literal pero sa isang banda masasabi mo na siya ang nagpapaganda at kasama sa pagiging ako.

Sa kanyang mga taba para siyang shock absorber hahahhaa.. literal ba kahit mabungo ko basta katabi siya safe ka kahit walang biogesic.. hehhehe, kung lalaitin siya nga mga tao sobra pero hindi nila alam kung anong mneron sa tababoy ko.. daig pa nia ang mga stress ball na makikita mo sa mga mamahaling mall kahit ano pang stuff toy hindi mo mahahalintulad ang tababoy ko kasi kahit anong sabog at init ng ulo ko o kaya kahit anong problemado akong kausap na daig ko pa ang mga irate caller sa call center nandun sia at makikita mo sa kanya na ang kanyang maamong mukha na nagsasabi na “james, yan lang ba problema.. may paraan pa at lahat yan blessing in disguise lang” pagkatapos nun para siyang bata na naglalambing sa init ng ulo mo at kahit anong sabog ng isip mo sasabihin pa din nia na “iloveyoujames, we can do it” ang sweet ng tababoy ko noh at makikita mo ang kanyang mga matatabang maliliit na daliri na parang hanky.Nagsisimula na siyang magsulat kung anong dapat gawin at iisipin niya kung ano ang pinaka magandang desisyon sa pagitan ng kanyang mga payo.

Basta Mataba malaman.. hahahahaha.. hindi lang puro taba na literal nga at magugulat ka kung paano siya magisip parang pinagisipan niya ng 10 beses at subok na ang kanyang mga plano kapag siya ay nagisip.. masakit nga isipin na mas ma-ayos siya magplano kaysa sa akin pero syempre ma-pride ako at gusto ko ang masusunod hahhahaha at sa huli siya din ang masusunod kasi mas maganda ang plano niya…

sobrang dami kong kakornihan at kung magkataon na makakita ako ng maganda at tatapon ko na etong taba ko, siguradong masiraan ako ng bait, nasubok ko na yun.. literal akong nasiraan at sa sobrang daming bagay pero konti lamang ang kaya ko i-express sa taba ko wala pa din makakapalit sa girl friend kong mataba.. hehehe mahal ko ang taba sa buto ko kahit payatot ako..