hItHiT-BuGa

March 18, 2009

Putang ina halos mag-sasampung kaha na nau-uubos ko pero hindi ko pa din makuha ang makapal na bilog ng bilog na usok ng sigarilyo.. patay sa hithit at paglanghap sa polusyon ng mahiwagang dahon dahil sa mga barkada walang tigil sa pagsusunog ng dubi sa aking tabi. Nagsimula sa Philip lights na parang pokpok sa kalsada at alitaptap tuwing gabi sa haba ng puting sigarilyo at alab na hindi normal sa mga bihasa mag-yosi. Napagkamalang bakla at biglang tinigil at nagsimula gumamit ng Marlboro reds at sa ngaun kahit anong sigarilyo pede na kahit magka-kulangot buong magdamag ang aking ilong basta’t hangang my pambili hindi titigil. Hindi na man ako ganito ka-adik dati at hithit-buga lang ang alam katulad ng mga kwento ng mga adik sa kanto na puro yabang at kapag sinapak iyak-tawa naman. Nagyabang na marunong uminom at kayang magdala, pero pagkatapos tumagay ng dalawang baso ng emperador eto gumagapang at naliligo sa suka sa tabi ng creek habang nagtatawanan at nag-aasar na tagay pa ang mga kaibigang sa kainuman.. hindi namalayan nakatulog sa tabi ng imbornal at ang kalahating katawan ay nagtatampisaw sa kanal na may taeng itim. Pagkagising tinanong ko ang sarili kung uulit pa, sinabing hindi na pero kada nagyaya ng inuman ako uli ang bida sa sukahan at tawanan hangang naging tuluyang tumador, yan ang aking nakagisnan at doon pala magsisimula ang aking istorya, ang buhay gangster..
Sampu kaming magkakabatak at ako ang bunso kahit mas malaki o mas matanda ang mga kababata ko, ako pa rin ang bida sa takbuhan at kung gumalipas ng takbo parang snatcher lang dahil sa lahat ako ang palaging ng-sasa-yo-na-tsi [sa’yo na tsinelas ko] dahil isa din ako sa mga takot at kapit lang sa barkada at mayabang kung marami sa away. Hindi na man ako marunong makipagsuntukan parang suntok bakla, nangangalmot, nanambunot at syempre ang idol kong stunt na galing sa tv ang wrestling, ang pagyakap sa ulo ng kaaway at paglagay sa tagiliran habang sumusuntok ng isang kamay sa mukha ng aking nahuli… Ang problema kapag rumble n, marami at malaki ang kaaway tiyak iyak-tawa ako sabay takbo at magyayabang “Tang ina ang dami niyo isa-isa lang [ pero kapag pinatulan.. Putakte garipas ng takbo na ko, kayo na bahala at kayo ang kawawa..]”… yan ang away bata, at hindi na man palagi masasabi ko na away bata dahil lumalaki din ako, kami at ang mga karanasan…Sa lahat ng away at pagkatapos ng gulo at sa haba ng pagsasama naging mag-kasanga na parang kapatid kahit minsan kami-kami din ngaaway-away pagkatapos magkasuntukan pare-parehas lang din kami umiiyak at hihingi ng sori na parang bata na umaamo sa mga lambing. Nagtayo kami ng gang at syempre kami-kami ang opisyal para matupad ang aming pangarap na maging kilala na parang artista, maging astigin na katulad ni gokou at respeto dahil sa takot nila. Noon din dumami ang aming kaaway at kaibigan na parang pulitika na may iba’t-ibang mukha, ngaun kaibigan mo at bukas kaaway mo na. Madaming riot ang nadaanan at parang away ng MILF at AFP na may peace talk o kapayapaan din ang nangyari.
Lahat naman nadadaan sa maboteng usapan. Araw din yun masaya dahil may bagong alyansa at lumalaki na ang ginawa naming gang….. Dumayo kami sa kanilang teritoryo bilang simbolo ng pagkakumbaba kahit mga hambog kaming mga hampas lupang ungas… Habang nagiinuman normal ang biruan, tawanan, asaran at mga usapang lasing na nauwi sa pikunan. Badtrip! Putang inang tang inang yan! wala kami sa lugar sampu lang kami na parang nakulong sa paligid ng mga lion at tigre, mag-aala Dragon Ball z ata kami at kailangan namin maging saiyan, nagpakiramdaman kaming mga kabatak kung anong gagawin at alam namin laban na kung laban, basag na kung basag basta hindi kami uuwi ng hindi man lang makasuntok sa mga mukha ng mga aso. PERO TALIWAS sa aking pakiramdam at inaasahan dahil ako pala ang duwag sa barkada…[itutuloy sa susunod na kabanata…]

sA nGaYoN

March 17, 2009

marame talagang bagay na nababago, kung umasta ko sa sitwasyon para parin akong bata.. minsan kasi hindi ko alam kung natututo ako sa karanasan ko o sa karanasan ng ibang tao.. parang paulit-ulit lang ang mga nagyayari kaso sa ibang oras at panahon nga lang.. at sa ibat’ibang taong na-iinvolved may bumabalik parin sakin kahit hindi ko sila ganun kakilala.. oo, masarap talagang idaan sa tawa ang lahat ng bagay kesa humarap sa lahat at magpaliwanag.. mas masarap isipin na sana nadamay ka nalang, dahil yung mga tao ngang nadadamay nahihirapan din, pano pa kaya kung ikaw yung nasa sitwasyon.. di mo alam kung ikaw yung bida o kontrabida pero sa mga mata ng bawat tao, isa ka sa mga yun.. ang sarap idaan sa yosi, at least pag tapos mo pwede mo na agad itapon sa tabi-tabi.. hindi katulad ng isang sitwasyon na matapos man o hindi, sayo parin ang sisi at ikaw ang itatapon. ang pinaka masarp nalang siguro isipin dun ay wag magbilang ng mga nawawala say, maging masaya ka nalang sa mga natitira.. dahil pag nagsimula kang isipin ang mga nawawala sayo, masasaktan ka lang dahil alam mong sila ang mga pinahalagahan mo..

mahirap basahin ang mga mata ng tao, ang mga kinikilos, iniisip at kung ano ang nararamdaman nila. siguro nga wala naman biktima sa bawat sitwasyon, nakakatawa ka lang tignan pag na-iwan kana sa mga pang yayari, parang ang sarap idaan sa inom, at least sa inuman pare-parehas nyong natitikman ang pakla ng alakat kinabukasan pare-parehas din ang pakiramdam nyo dahil sa TAMA! pero di namam kaso kung ma-iiwan ka, ang kaso dun, kung ano ang mang-yayari sa naiwan.. parang droga lang yan! kung sino ang may pinaka malakas na tama, siya rin ang pinaka kawawa pag nawala na ang alapaap nya, ang saya niya.. na minsan ay hindi rin totoong kasiyahan, masarap lang kasing makibagay, maki-ngiti, magtago at mag sinungaling sa likod ng tawanan.. at least kaka-inggitan  ka ng mag tao kung bakit ka masaya.. pero pagnalaman nila ang totoo, ang totoong muka mo o ang side mo, sasabihin nila ginagago mo lang sila.. kahit na ang pinaka niloloko mo dun at ang pinaka masakit sayo ay ang pang bibiktima mo sa sarili mo.. dahil kahit kelan alam mong hindi ka magkakaron ng ganung kasiyahan, alam mong puro pangarap lan yun, puro drawing, puro mga pangarap na sana mangyari para lang sumaya kaang sarili mo, hindi naman dahil sa gusto mong ipagtanggol ang sarili mo, alam naman natin na  ang pinaka importante sa bawat tao ay kung ano ang iniisip nila at kung ano ang ine-expect nilang mangyari.. minsan masarap din harapin ang pagkabagsak o pagkalugmok mo sa paraan na sinsaktan mo ang sarili mo, pag-susuicide?  siguro… dahil sa bawat sakit at pagkatalo mo dito mo lang mapapatunayan na malapit mo ng maabot ang gusto mo.. pero sa huli mas lalo ka lang mag mumukang tanga sa paningin ng ibang tao..

harapin mo man sila ng buong tapang, ng buong lakas ng loob at sabihin kung ano ang totoo.. nasa kanila parin kung maniniwala sila o hindi.. para mo narin ginagago ang sarili mo dun, para ka narin naghanap ng kakampi dahil sa pag kaka-alam mong yun ang kelangan mo.. pero pano ka mag kakaron ng sariling buto kung iaa-asa mo lang sa iba..

sa pagpatay ng kaaway, sa bawat saksak na ginawa mo, sa bawat res-back, sa mga suntok na bahala na at sa pagbasak ng muka nila.. dun ka lang magkakaron ng katahimikan, hindi dahil sa napagtanggol mo ang yabang mo.. kundi sa pagkawala ng sakit dahil sa napatahimik mo sila at napatahimik ka.. yung katahimikan na pinangarap mo pero binasura nila, makakmit mo lang pag nakita mo silang nasaktan , pag nakita mong dumaloy ang dugo nila sa kamay mo at ma-ilabas ang galit na gusto mo ng tapusin. masyado mang brutal, pero wala tayong magagawa pag hiningi na ng sitwasyon.. kulang nlang sumama ka sa kanila sa kabilang buhay para mapag patuloy mo ang gusto mong gawin sa kanila ng walang limitasyon at walang pinag babawal.

kahit nga sa batas, mag tayo ka man ng unyon, gumawa ng poster o banner, manapak ka o magpasapak, hindi parin nila pagbibigyan ang gusto mo at mananatili silang bulag sa katotohan.. dahil dun sila kumikita at ganun ang pagpapasunod sa kanila..

kaya mas magandang manahimik at mag kunwari na wala na sila, at kunwari nagkaron ka narin ng sariling buto.. kahit alam mong kailangan mo sila dahil sila ang mga pinahalagahan mo.. pero sabihin mo man nasa loob mo, malamang ibasura lang nila at maiiwan kang TANGA na umaasang nasa likod mo sila na parang pader.. kaso nasa bingit ka na pala…